top of page

Bigas, ipinamahagi ni Mayor Datu Armando Mastura sa mga apektado ng sama ng panahon sa Barangay Simuay Seashore

  • Diane Hora
  • Oct 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Personal na pinangunahan ni Mayor Datu Armando Mastura, ang relief distribution sa Barangay Simuay Seashore, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte araw ng Huwebes.


Nakita nito ang kalagayan ng mga residenteng apektado ng nagdaang bagyo.


Nasira ang kanilang mga barong-barong dahil sa malakas na hangin dala ng matinding pag-ulan.


Upang maibsan ang kanilang sitwasyon, namahagi ng tig-sampung kilong bigas sa nasa labing pitong mga residente ang alkalde.


Sa mensahe nito, kanyang pinaalalahanan ang mga residente na maging alerto at maagap lalo na sa panahon ng masamang panahon.


Lagi rin umanong isa-alang-alang ang kaligtasan.


Kasama rin sa naturang aktibidad si Barangay Chairman Nor Ebrahim ng Simuay Seashore, na patuloy na nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng mga residente sa tuwing may paparating na sakuna.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page