top of page

Bilang ng mga nasangkot sa road crash mula December 21, 2025 hanggang 5:00 AM ng January 2, 2026, umabot sa 1,113 base sa datos ng DOH mula sa 10 Sentinel Hospitals na binabantayan ng departamento.

  • Jan 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Batay sa datos ng Department of Health, mula December 21, 2025 hanggang 5:00 AM ng January 2, 2026, nakapagtala ng 1,113 bilang indibidwal na nasangkot sa road crash mula sa 10 Sentinel Hospitals na binabantayan ng DOH.


Ayon sa ahensiya, mas mataas ito ng 82 porsiyento kumpara sa naitalang kaso noong taong 2024.


Ngayong taon, lima ang nasawi na sakay ng motorsiklo at dalawa naman ang pedestrian.


Sa mga nagtamo ng road crash injuries, 135 ang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak, 965 ang hindi gumamit ng safety accessories tulad ng helmet at seatbelt, at 787 ang mga kasong sanhi ng motorcycle road crash.


Paalala ng DOH, ugaliing magsuot ng DTI-approved helmet at gumamit ng seatbelt ang mga nagmamaneho at pasahero ng sasakyan.


Huwag magmaneho kapag pagod o lasing upang maiwasan ang road crash.


Sundin ang itinakdang speed limit at mga road signs upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe.


Siguraduhing may pito hanggang walong oras na tulog bago bumiyahe at iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page