Bilang ng nasawi sa patama ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu, umabot na sa mahigit 70; Transmission lines, unti-unit na ring naibabalik sa lugar
- Diane Hora
- Oct 2
- 1 min read
iMINDSPH

Sa datos ng NDRRMC, base sa report ng Radyo Pilipinas, umabot na sa
72 ang bilang ng mga napapaulat na nasawi matapos yanigin ng 6.9 magnitude na lindol ang lalawigan.
Nasa 294 naman ang naitalang nasugatan habang aabot sa 47,221 pamilya o katumbas ng 170,959 indibidwal ang apektado ng lindol.
Samantala, ayon sa report, tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ibabalik nila ang suplay ng kuryente sa nalalabi pa nilang transmission lines na apektado ng lindol.
Ayon sa NGCP, naibalik na ang suplay ng kuryente sa Leyte-Luzon 350kV High Voltage - Direct Current (HVDC) as of 9:43AM, kaya't mayroon nang suplay mula Luzon patungong Visayas.



Comments