Binaril habang bumibili ng barbeque ang isang lalaki sa Barangay Poblacion, T’boli, South Cotabato; Suspek, agad naaresto ng awtoridad
- Feb 25
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang isang lalaki matapos barilin ang isang indibidwal na bumibili ng barbeque.
Naganap ang insidente sa harap ng isang gasoline station, araw ng Martes, February 24.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Jermon”, 35-anyos, residente ng Barangay Kematu.
Sa paunang imbestigasyon, lumabas na bumibili umano ng barbecue ang biktima sa isang tindahan nang lapitan siya ng suspek na kinilalang si alyas “Labu” saka pinaputukan.
Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Tboli Municipal Police Station,at agad na naaresto ang suspek.
Isinugod naman ang biktima sa Moorehouse Mission Hospital sa Barangay Edwards para sa paunang lunas at kalaunan ay inilipat sa South Cotabato Provincial Hospital para sa karagdagang gamutan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang Armscor .45 caliber pistol na may siyam na live ammunition sa loob ng steel magazine at dalawang fired cartridge cases.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa wastong dokumentasyon at inquest proceedings. Ang nakumpiskang baril at iba pang ebidensya ay isasailalim sa ballistic at cross-matching examination ng Provincial Forensic Unit sa Koronadal City.



Comments