Bisita Eskwela Program hatid ni Mayor Shameem Mastura sa mga estudyante at guro ng Paiguan Elementary School sa Barangay Inawan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Masaya at mainit ang pagsalubong ng mga guro at mag-aaral kay Sultan Mastura Mayor Datu Shameen Mastura sa Paiguan Elementary School sa Barangay Inawan, para sa Bisita Eskwela.
Ito ay isang inisyatiba na layong ipadama sa mga liblib na komunidad ang presensya at serbisyo ng lokal na pamahalaan, partikular sa sektor ng edukasyon.
Namahagi ang alkalde ng mga school supplies sa mga mag-aaral at cleaning supplies na magagamit ng mga guro upang panatilihing malinis ang kanilang mga silid-aralan.
Nagkaroon din ng mga palaro at kasiyahan, at nagbigay rin ng pagkain bilang handog para sa mga dumalo.
Sa isinagawang dayalogo sa mga guro at magulang, tinukoy ni Mayor Mastura ang isa sa mga pangunahing suliranin ng paaralan tulad ng kakulangan sa maayos na transportasyon ng mga estudyante.
Bilang tugon, magkakaloob ang alkalde ng isang pump boat at ₱7,000 buwanang gasoline allowance upang mapadali ang paglalakbay papunta at pabalik ng mga mag-aaral at guro.
Ang Bisita Eskwela Program ay bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaang lokal na ipalapit ang serbisyong pampubliko sa bawat sulok ng Sultan Kudarat.
Tiniyak ni Mayor Mastura na hindi ito ang magiging huling pagbisita at marami pang programang nakalaan para sa iba pang malalayong barangay.
Ang Barangay Inawan ay isa lamang sa mga unang hakbang sa mas pinalawak na adhikain ni Mayor Shameem Mastura na dalhin ang serbisyong tapat, mabilis at makatao sa bawat tahanan ng Sultan Kudarat.



Comments