top of page

“Bisita sa Eskwela” ni Mayor Datu Shameem Mastura, gugulong muli, hatid ang Tulong, Inspirasyon, at Pag-asa sa mga Kabataan

  • Diane Hora
  • Oct 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ikakasa muli ng Lokal na Pamahalaan ng Sultan Kudarat sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Datu Shameem Mastura — ang programang “Bisita sa Eskwela”.


Tuwing araw ng Miyerkules, inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan na makiisa sa naturang programa na naglalayong maghatid ng tulong, inspirasyon, at kasiyahan sa bawat paaralang bibisitahin ng lokal na pamahalaan.


Sa pamamagitan ng Bisita sa Eskwela, magkakaroon ng pagkakataon ang mga paaralan na makadaupang-palad ang mga piling panauhin mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan — kabilang ang mga opisyal ng pamahalaan, guro, propesyonal, at mga partner organizations — na handang magbahagi ng kaalaman, serbisyo, at munting regalo para sa mga estudyante.


Bukod dito, mamamahagi rin ng school supplies, teachers’ kits, tsinelas, at pagkain.


Magkakaroon din ng fun games at raffle prizes.


Ang Bisita sa Eskwela ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang edukasyon at palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at mga paaralan, bilang bahagi ng layuning hubugin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan ng Sultan Kudarat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page