BJMP BARMM personnel, kinilala at ginawaran ng parangal sa kanilang pagdiriwang ng 34th anniversary
- Diane Hora
- Oct 14
- 1 min read
Kasabay ng pagdiriwang ng Bureau of Jail Management and Penology ng ika-tatlumpo't apat na anibersayo, ginawaran ng parangal ng BJMP BARMM ang kanilang mga tauhan na nagpamalas ng galing at husay sa kanilang tungkulin.
"Matatag na Serbisyo, Patnubay sa Tunay na Pagbabago", ito ang tema ng Bureua of Jail Management and Penology sa kanilang ika tatlumpu’t apat na anibersaryo.
Panauhing pandangal sa okasyon, araw ng Huwebes, October 9 si Jail Director Ruel Rivera ng Bureau of Jail Management and Penology.
Nagbahagi rin siya ng mga inspiring stories ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na patuloy na nagsusumikap para sa pagpapabuti ng sarili at personal growth habang nasa ilalim ng pangangalaga ng Bureau.
Kinikilala naman ni BJMP BARMM Regional Director Erwin Kenny Ronquillo ang dedikasyon at serbisyon ng bawat BJMP BARMM personnel upang magampanan ang kanilang tungkulin.
Kasama rin sa selebrasyon si Jail Superintendent Emerson Amandy, ang Assistant Regional Director for Administration, at Jail Superintendent Crispin Dornagon Jr. ang Assistant Regional Director for Operations.



Comments