BLTFRB, ikinasa ang drivers’ academy sa Basilan para isulong ang road safety awareness at responsible driving practices
- Diane Hora
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Upang isulong ang road safety awareness at responsible driving practices, isinagawa ng BLTFRB ang drivers’ academy sa basilan, araw ng Martes, September 9.
Dito, binigyang-diin ng BLTFRB ang kahalagahan ng disiplina sa kalsada, pagsunod sa batas-trapiko, at tamang asal ng mga tsuper sa pakikitungo sa mga pasahero.
Kabilang din sa mga tinalakay ang wastong pangangalaga sa mga sasakyan upang maiwasan ang aksidente at aberya sa biyahe.
Ayon sa BLTFRB, ang Drivers’ Academy ay mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang kampanya para sa mas ligtas at maayos na transportasyon sa Bangsamoro Autonomous Region.



Comments