BLTFRB, nakipagpulong sa Land Bank of the Philippines bilang paghahanda sa pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program sa BARMM
- Diane Hora
- Aug 29
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtungo ang mga opisyal ng BLTFRB sa tanggapan ng Land Bank of the Philippines (LBP) at tinalakay ang mga kinakailangang paghahanda para sa nalalapit na paglulunsad ng Pantawid Pasada Program sa Bangsamoro Region.
Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng programa, kabilang ang mekanismo ng pamamahagi ng fuel subsidy sa mga kwalipikadong tsuper at operator ng pampublikong transportasyon sa rehiyon.
Binigyang-diin ng BLTFRB na ang Pantawid Pasada Program ay isa sa mga pangunahing hakbang ng Bangsamoro Government upang suportahan ang sektor ng transportasyon.



Comments