BLTFRB ng BARMM at LTFRB Region XII, pinalakas ang koordinasyon sa inter-regional transport route
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Isingaqa ang pulong noong Enero 13, 2026, sa tanggapan ng LTFRB RFRO 12 sa Koronadal City, South Cotabato.
Sa pagpupulong, tinalakay ng dalawang ahensya ang mahahalagang usapin hinggil sa mga inter-regional routes, partikular ang koordinasyon sa regulasyon ng mga rutang tumatawid sa pagitan ng dalawang rehiyon.
Layunin ng dayalogo na palakasin ang ugnayan at pagbutihin ang harmonisasyon ng mga patakaran upang masiguro ang maayos, ligtas, at episyenteng serbisyo sa pampublikong transportasyon.
Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na konsultasyon at pagbabahagi ng impormasyon, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa prangkisa, ruta, at operasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon sa mga ito, mahalaga ang malinaw at magkakatugmang polisiya upang maprotektahan ang interes ng mga operator at masigurong dekalidad ang serbisyo para sa mga pasahero.
Ang courtesy visit ay isinagawa sa ilalim ng patnubay at direktiba ni MOTC-BARMM Minister Termizie G. Masahud bilang bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng ministeryo na palakasin ang inter-regional collaboration at maglatag ng mas malinaw na patakaran para sa mas mahusay na sistemang transportasyon.



Comments