BLTO at LTO, pinatatag ang ugnayan sa pagkakaroon ng standardization ng Land Transportation Services sa BARMM
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Standardization at pagpapahusay ng land transportation services sa Bangsamoro region — ito ang isa sa mga tinalakay sa courtesy visit na pinangunahan ni Ministry of Transportation and Communication Minister Termizie Masahud, sa Land Transportation Office Central Office sa Maynila.
Kasama ng MOTC Minister si Deputy Minister Muhammad Ameen Abbas, Director General Atty. Roslaine Macao-Maniri at BLTO Director Engr. Razul Gayak, kasama ang iba pang mga pangunahing opisyal ng BLTO na nakipagpulong may LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao.
Layon ng pagbisita na mapalakas pa ang mga sistema sa transportasyon sa rehiyon at magkaroon ng regulatory harmony, mas mabilis na serbisyo at mas maayos na sistema ng transportasyon para sa publiko.
Mas palalakasin din ang koordinasyon at epektibong pamamahala sa sektor ng transportasyon, hindi lamang sa BARMM kundi sa buong bansa.



Comments