BLTO at NBI-BARMM, nagsagawa ng joint operations sa mga motor vehicle dealers at assemblers
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ang operasyon ni Bangsamoro Land Transportation Office Director Engr. Razul Gayak at ni National Bureau of Investigation BARMM Regional Director Jonathan Baliteng.
Nag-inspeksyon ang mga ahensya sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Datu Anggal Midtimbang, at Datu Unsay sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte noong a dise siete ng Setyembre kung saan isa-isang sinuri ang mga sasakyan at kung sumusunod ba sa batas ang mga car dealers, lalo na ang mga nagbebenta ng surplus units gaya ng mga minivan.
Isinagawa rin ang imbestigasyon sa mga iregularidad at pagsusuri sa kaligtasan ng mga sasakyang ipinagbibili.
Base sa Republic Act No. 8506, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga sasakyang naka-right-hand drive, maliban na lamang kung dumaan ito sa tamang conversion process bago ilabas mula sa port upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili at motorista.
Hinimok naman ng BLTO ang lahat ng suppliers, dealers, assemblers, at negosyante na sumunod sa mga alituntunin at magpatala para sa accreditation sa Bangsamoro LTO.
Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang abala at mapapanatili ang maayos na takbo ng negosyo.
Patuloy ang joint operations ng BLTO at NBI-BARMM upang masiguro ang pagsunod sa batas at kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon.



Comments