top of page

BLTO inilunsad ang Amnesty Program sa mga sasakyan sa Lamitan

  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH


Isinagawa ng bagong talagang District Head ng Bangsamoro Land Transportation Office o BLTO na si Halid Bacondong ang isang courtesy call kay Mayor Oric Furigay, kung saan inilatag nito ang paglulunsad ng BLTO Amnesty Program para sa mga may-ari ng sasakyan at motorsiklo.


Layunin ng pulong na matiyak na ganap na naipapaabot sa mga residente ng Lamitan City ang oportunidad na naglalayong tulungan ang mga motorista na makapag-ayos ng kanilang expired vehicle registrations na may mas mababang gastusin.


Sa ilalim ng amnesty program, lahat ng penalties para sa late registration ay iwina-waive, habang standard fees lamang ang babayaran ng mga sasali. Tatakbo ang programa mula Enero 21 hanggang Enero 30, 2026, at walong (😎 working days lamang ito, hindi kasama ang weekends.


Hinikayat naman ni Mayor Furigay ang publiko na samantalahin ang programa upang maiwasan ang dagdag na surcharge sa hinaharap at masigurong ligal at rehistrado ang kanilang mga sasakyan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page