top of page

Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament, isinasapinal na ang report hinggil sa delayed at unpaid billings ng mga supplier na nakikipag transact sa ministries, offices at agencies sa BARMM

  • Diane Hora
  • Jan 14
  • 2 min read

iMINDSPH

Nagharap sa pulong ang Committee on Good Government, Accountability of Public Officers and Investigation, o Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament, ngayong araw, kung saan isinasapinal na ang kanilang report hinggil sa delayed at unpaid billings sa mga supplier na nakikipag transact sa ministries, offices at agencies sa BARMM.


Nilinaw ng komite na ang inquiry na isinagawa ay aid of legislation, at nakatutok sa on unpaid obligations at delayed payments, at hindi hinggil sa issue ng graft o corruption.


Binigyang diin ng mga miyembro ng pinatitibay pa ang ulat ng enforceable provisions upang matiyak ang compliance sa lahat ng ministries at agencies, na layuning mapahusay pa ang system efficiency at maiwasan ang pagkaantal sa hinaharap.


Nagkasundo ang panel sa kanilang rekomendasyon hinggil sa independent body para magpataw ng sanctions sa violators, stricter implementation ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), at pagsumite ng updated citizens’ charter report sa bawat ministry.


Ang final report, laman ang consolidated committee’s findings, recommendations, at conclusions, ay isusumite sa angsamoro Parliament plenary para sa deliberation at possible legislative action.


Sinabi ni BTA Blue Ribbon Commitee Chair Rasol Mitmug Jr na ang findings at recommendations ay magbibigay ng basis para sa legislative at administrative measures at mapaunlad ang transparency, accountability, at efficiency sa Bangsamoro Government.


Ang report ay resulta ng serye ng executive at regular committee hearings, kung saa tumanggap ang komite ng testimonies mula sa resource persons, sinuri ang mga documentary evidence, at ni-review ang reports mula sa dalawang Bangsamoro Task Forces na nilikha ng Chief Minister.


Ayon sa komite, nilalayon ng report na palakasin ang internal processes, protektahan ang mga supplier na may mga business transaction sa BARMM government, at suportahan ang mas mabisa at transparent public service delivery.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page