Boss Ironman Motorcyle Challenge 2026 first checkpoint sa Cotabato City
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Sinadya ng mga miyembro ng BMW Owners Society of Saferiders o BOSS ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato City upang ipagbigay alam at magkaroon ng koordinasyon sa plano nitong paglalagay ng first checkpoint ng BOSS Ironman Motorcycle Challenge 2026 sa Cotabato City.
Inaasahang dadalo rito si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa at Sen. JV Ejercito para sa pagtataguyod ng road safety at turismo sa bansa.
Hiling naman nila ang koordinasyon ng lungsod para sa pagsisiguro sa mga maaaring checkpoints sa Cotabato City.
Ayon naman kay Secretary to the City Mayor Guianodin Abdilah, handa ang Cotabato City Government sa kung ano man ang kinakailangan ng kanilang grupo upang masiguro na maitataguyod ito ng masaya at matiwasay.



Comments