BPMA, nakipagpulong sa Office for Transportation Security (OTS) para sa maritime security at port operational efficiency programs
- Diane Hora
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Seamless integration ng national security mandates at review ng nagdaang security engagements ang pakay ng Bangsamoro Ports Management Authority O BPMA sa Office for Transportation Security o OTS, 14 ng Oktubre.
Ang BPMA ay pinangunahan ni Eng. Nasrodin Masakal.
Sa pulong, nagkasundo ang BPMA at OTS sa pagbibigay ng technical assistance sa BPMA para mapaunlad ang kapasidad ng tanggapan at seguridad kabilang dito ang pagsasanay para sa BPMA personnel at maritime security training plan workshop.
Nagkasundo rin ang BPMA at OTS na magsagawa ng joint risk management assessment sa port areas para matiyak na sumusunod ang mga ito sa national at international security standards.
Naghayag din ang dalawang tanggapan na magkaroon ng panibagong Memorandum of Agreement para sa pagpapalakas pa ng partnership tulad ng dating kasunduan sa ngayon ay defunct Regional Ports Management Authority (RPMA).
Samantala, pinangunahan naman ni MOTC Minister Termizie Masahud ang pagbisita sa Philippine Ports Authority for Operations kung saan tinalakay ang operational at logistical support.
Hinimay din sa pulong ang Transition Plan para sa Sulu Ports mula BPMA patungo sa PPA at ang requirement para sa patuloy na koordinasyon hinggil sa Marawi Port, sa layuning maisagawa ang strategic at orderly handover ng operational control.



Comments