BPMA, namahagi ng libreng meryenda sa mga biyahero para sa Bangsamoro Foundation Day 2026
- Diane Hora
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng paggunita sa Bangsamoro Foundation Day 2026, namahagi ng libreng snacks ang Bangsamoro Ports Management Authority o BPMA sa mga biyahero sa piling mga pantalan at piling biyahe sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Ayon sa BPMA, ang simpleng pamamahagi ng meryenda ay simbolo ng pasasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng mga pasahero, kasabay ng pagdiriwang ng mga tagumpay at hakbang ng Bangsamoro sa nakalipas na pitong taon.
Layunin din ng aktibidad na gawing mas magaan at mas makabuluhan ang biyahe ng mga pasahero, lalo na sa gitna ng makasaysayang selebrasyon ng pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Hinimok ng BPMA ang mga biyahero na manatiling nakaabang sa iba pang mga aktibidad at simpleng handog sa mga pantalan bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng Bangsamoro Foundation Day.



Comments