top of page

BTA Bill No. 415, aprubado na ng Bangsamoro Parliament; 48 mambabatas ang bumoto pabor sa panukala, 19 ang tutol at 4 ang nag-abstain

  • Jan 13
  • 5 min read

iMINDSPH



Lampas na ng hatinggabi nang tuluyang aprubahan ng Bangsamoro Parliament ang panukalang batas na kritikal para sa kauna-unahang parliamentary elections ng rehiyon.


Sa isang special session noong Enero 12 na umabot hanggang madaling-araw, inaprubahan sa third at final reading ang Parliament Bill No. 415—ang districting law na opisyal na nagtatakda sa 32 parliamentary districts ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Nairekord ang pinal na boto alas-12:33 ng umaga ng Enero 13.


Lumabas sa botohan na 48 mambabatas ang pumabor, 19 ang tumutol, at apat ang nag-abstain.


Ayon sa mga mambabatas, ang PB 415 ang pinaka-angkop na panukala para tugunan ang mga legal issues na inilatag ng Supreme Court, habang sinisiguro na maidadaos ang halalan sa maayos at kapani-paniwalang paraan.


Sinabi ni Floor Leader at Parliament Spokesperson John Anthony Lim na tiniyak ng mga mambabatas na legal na matibay ang panukala, sinunod ang gabay ng Korte Suprema, at hindi masasagasaan ang election timetable ng rehiyon.


Isa sa mga bumoto ng “No” ay si MP Mohagher Iqbal, ang kasalukuyang Education Minister ng BARMM at chairperson ng MILF Peace Implementing Panel.


[pause for sot]

MP MOHAGHER IQBAL

Bangsamoro Transition Authority Parliament

Minister | MBHTE

Chairperson | MILF Peace Implementing Panel

“Ang boto ko ay napakalaking “No” po but I will not explain my vote,” Iqbal said following the appeal of Speaker Mohammad Yacob to shorten their explanation.


Deputy Speaker Omar Yasser Sema who also voted “No” explained that his vote is an indignation of the violation of the 1996 peace agreements implementation during the transition period under the 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.


[pause for sot]

MP OMAR YASSER SEMA

Deputy Speaker | Bangsamoro Transition Authority Parliament

“I vote “No” not to reject the bill but to reject the distribution of the 7 seats allotted for our brothers in Sulu,” Sema emphasized.


Giit ng mga mambabatas, mahalaga ang agarang pagsasagawa ng halalan upang mabigyan ng boses ang mahigit 4.5 milyong residente ng BARMM at maisulong ang demokratikong partisipasyon sa ilalim ng parliamentary system.


Ang BARMM lang ang rehiyon sa bansa na may parliamentary form of government. Sa unang regular na Parliament, bubuuin ito ng 80 miyembro—40 political party representatives, 32 district representatives, at walong sectoral representatives. Hindi makukumpleto ang istrukturang ito kung walang balido at malinaw na districting law.


Para kay Deputy Speaker Nabil Tan, malinaw ang sitwasyon: kung walang districting law, walang parliamentary elections. Aniya, ang PB 415 ang magbibigay-daan para ganap na maipatupad ang awtonomiya, mapanatili ang peace process, at makausad ang rehiyon sa isang demokratiko at maayos na paraan.


Nilinaw din ni Tan na hindi “iniiwan” ng Bangsamoro Parliament ang Sulu. Ang mga usapin hinggil sa posibleng pagbabalik ng lalawigan ay tatalakayin sa tamang panahon at sa angkop na mga institusyon, kabilang ang Kongreso at mga korte.


Nauna nang idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act Nos. 77 at 58 dahil sa mga kakulangan sa legal at procedural requirements bago maisagawa ang halalan.


Ayon sa Korte, naipasa ang BAA No. 77 noong Agosto 2025 at may ilang district configurations na hindi tumalima sa Bangsamoro Organic Law—lalo na sa Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Cotabato City. Nilinaw rin na ang pagbabasura sa BAA No. 77 ay hindi awtomatikong nagbabalik sa BAA No. 58.


Kung walang bagong districting law, hindi rin umano makapaghahanda nang maayos ang Commission on Elections para sa halalan na sasaklaw sa mahigit 2.25 milyong botante mula sa 105 bayan at tatlong lungsod sa BARMM. Inatasan ng Korte ang Parliament na magpasa ng bagong batas at ang Comelec na maghanda para sa eleksyon hindi lalampas sa Marso 31, 2026.


Matapos ang desisyon ng Korte Suprema, anim na districting bills ang inihain at sabay-sabay na sinuri ng Committees on Local Government at Rules at itinulak ang PB 415 bilang pinakamalapit sa legal at constitutional compliance.


Inaprubahan ang bagong districting bill kahit nakabinbin pa ang magiging kasagutan ng Korte Suprema sa inihaing Partial Motion for Reconsideration ng Bangsamoro Attorney General’s Office matapos ideklara ng SC na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act No. 77.


Ipinagpatuloy ng BTA Parliament ang pag apruba sa bagong districting bill kahit pasok na sa 120 days na election ban bago ang nakatakdang Marso 30, 2026 parliamentary elections.


Sa ilalim ng mga patakaran sa halalan, hindi na pinahihintulutan sa panahong ito ang mga pagbabago gaya ng paglilipat o muling pagsasaayos ng mga polling precincts.


Pero sagot ng isa sa mga pangunahing may akda ng BP-415, BTA Deputy Floor Leader Naguib Sinarimbo..


[pause for sot]

MP NAGUIB SINARIMBO

Deputy Floor Leader | BTA Parliament

“our position is that, while we may have in reality weakened the arguments of the Attorney General of the BARMM, the enactment of this law does not of itself declares the Motion for Reconsideration no longer feasible for the regional government. Also, even if we follow certain guidelines as enunciated in the current Supreme Court ruling that is a choice made deliberately by the parliament and we should retained that. On the 120 day prohibition for enacting a law that would transfer the voting precincts in the region pursuant to the registration law, our position is that, the period set which is March 30, in effect, has no legal basis. It is a suggestion coming from the Supreme Court, it is settled in its jurisprudence, that only the legislature, in this case, Congress can set the date of elections. The reckoning period therefore, may not necessarily be as contained in the resolution of the COMELEC which is March 30, 2026”


Hinimok din niya ang mga political party at sectoral groups na palakasin ang representasyon ng mga island provinces, lalo na sa pagpili ng party-list at sectoral nominees, dahil 32 puwesto lamang ang saklaw ng districting at nakasalalay pa rin sa mga partido at sektor ang kabuuang komposisyon ng Parliament.



Sa ilalim ng bagong batas, siyam na distrito ang inilaan sa Lanao del Sur; tig-lilimang distrito sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur; tig a-apat sa Basilan at Tawi-Tawi; tatlo sa Cotabato City; at dalawa sa Special Geographic Area. Ang alokasyon ay batay sa populasyon ng BARMM na 4,545,486, na may minimum na 100,000 residente bawat distrito.


Nauna nang sinuspinde ng Comelec ang filing ng certificates of candidacy para sa Marso 2026 BARMM elections. Ayon sa Resolution No. 11183, ang COC filing lamang ang pansamantalang itinigil—hindi ang buong election calendar.


Paglilinaw ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, handa pa rin ang ahensya na ituloy ang Bangsamoro Parliamentary Elections sa sandaling magkabisa ang bagong districting law.


Binigyan ni Chief Minister Abdulraof Macacua ng urgent certification ang PB 415, dahilan para magpulong ang Parliament sa isang special session kahit Enero 19 pa ang nakatakdang regular session.


Ayon sa mga mambabatas, sa pagpasa ng PB 415, kumpleto na ang district framework—at mas malinaw na ngayon ang daan patungo sa unang regular parliamentary elections ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page