top of page

BTA Deputy Floor Leader, Atty. Naguib Sinarimbo, nanawagan sa publiko na maging alerto at kalmado, at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa gitna ng mga nararanasang pagyanig

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH


Ito’y kasunod ng nararanasang lindol sa katubigang sakop ng Sultan Kudarat kung saan ramdam din ang pagyanig sa lungsod ng Cotabato at iba pang lugar sa Mindanao.


Binigyang diin ng mambabatas, ang kahalagahan ng tamang paghahanda sa panahon ng lindol, kabilang ang pasunod s duck, cover, and hold.


Sa mga residente sa baybaying lugar dapat aniyang maging mapagmatyag sa mga natural na babala tulad ng biglaang pagbabago ng galaw ng tubig-dagat.


Hinikayat ng opisyal ang publiko na manatiling naka antabay sa mga tanggapan ng awtoridad tulad ng PHIVOLCS at ng Bangsamoro READi para sa tama at napapanahong impormasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page