BTA Deputy Floor Leader Atty. Rasol Mitmug Jr., nagkasa ng serye ng public consultations sa iba’t ibang bayan sa Lanao del Sur hinggil sa Bangsamoro Parliamentary Districting
- Diane Hora
- Oct 14
- 2 min read
iMINDSPH

Mula October 9 hanggang October 11-
Ikinasa ni BTA Deputy Floor Leader Atty. Rasol Mitmug Jr ang serye ng public consultations sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur hinggil sa Bangsamoro Parliamentary Districting.
Tinungo ng mambabatas ang mga bayan ng Marantao at Buadiposo Buntong kung saan inilatag ng mga residente ang kanilang pananaw sa district alignments at binigyang diin ang patas na representasyon at matibay na ugnayan sa komunidad.
Pabor ang mga residente ng Marantao ng mas maraming distrito para sa anila’y balance development, habang ang mga residente ng Buadiposo Buntong ay naghayag ng kanilang kagustuhan na mapasama sa kalapit bayan na Mulondo due dahil sa tinatawag anilang shared geographical at cultural connections.
Ang mga residente ng Ganassi at Lumbatan, suportado na mapagsama ang mga Ganassi, Binidayan, Pualas, Madamba, at Pagayawan kung saan tinukoy ng mga ito ang shared history at geography.
Nais naman ng mga residente ng Lumbatan na manatili ang kasalukuyang district composition dahil mahalaga anila na mapreserba ang pagkakaisa at local identity.
Sa public consultation sa Lumba-Bayabao at Bacolod-Kalawi, iminungkahi ng mga residente ng Lumba-Bayabao ang district groupings base sa kinship at cultural ties, habang ang mga partisipante mula sa Bacolod-Kalawi ay binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, fair representation, at leadership accountability.
Ayon sa ilang dumalo, dapat din umanong magkaroon ng 2 seats sa parliament ang Marawi City para sa anila’y equitable representation. Ang syudad ay mayroong kasalukuyang registered voters na halos 260,000.
Mahalaga ayon kay BTA Deputy Floor Leader Mitmug na magkaroon ng isang inclusive policymaking at grassroots participation. Layunin ng mambabatas sa pagkasa ng serye ng public consultations na makalikom ng local insights at rekomendasyon upang matiyak na ang districting process ay naayon sa saloobin at mithiin ng mamamayang Bangsamoro.
Ang hakbang ayon sa mambabatas ay bahagi ng kanyang patuloy na pagsusulong ng transparency, inclusivity, at participatory governance sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.



Comments