BTA Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura, binati si Dr. Ishmael Ramadan Dimaren CRMC Chief, pinarangalan ng Malacañang; Bangsamoro leaders, nagpahayag ng pagbati
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Mainit na pagbati ang ipinaabot ng Office of Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura kay CRMC Medical Center Chief II Dr Ishmael Ramalan Dimaren, matapos itong gawaran ng Presidential Lingkod Bayan Award sa ilalim ng CSC National Gawad Lingkod Bayan ng Malacañang Palace.
Ayon kay Deputy Speaker Mastura, ang pagkilalang ito ay patunay ng huwarang pamumuno ni Dr. Dimaren at ng kanyang matatag na dedikasyon sa inklusibo at makataong serbisyong pangkalusugan.
Dagdag pa niya, patuloy na nagbibigay-karangalan sa mamamayang Bangsamoro at sa buong rehiyon ang malasakit at propesyonalismo ng mga health leaders na inuuna ang kapakanan ng publiko.



Comments