top of page

BTA Parliament MP Atty. Naguib Sinarimbo at UNDP Philippines, nagpulong para sa pagpapalakas pa ng ugnayan tungo sa kaunlaran sa BARMM

  • Diane Hora
  • Oct 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagharap sa pulong sina Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo kasama ang mga international non government agency partners mula United Nations Development Programme Philippines na si ad interim Knut Ostby at kanyang mga kasamahan na sina Sammy Odolot at Butch Camariñas.


Tinalakay sa pulong ang mga pag-unlad at inisyatiba ng Bangsamoro Government at ng Parliament, pati na rin ang mga oportunidad para sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng UNDP at ng BARMM.


Ayon kay MP Atty. Naguib Sinarimbo, ang pakikipag-ugnayan sa mga international development actors tulad ng UNDP at iba pang NGO ay nagbibigay ng mas malawak na pananaw sa mga gawain ng pamahalaan at tumutulong upang manatiling nakaayon sa long-term goals ng rehiyon tungo sa tunay na pag-unlad.


Ipinahayag din niya ang taos-pusong pasasalamat sa mga development partners sa United Nations sa patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa Bangsamoro Government.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page