BTA session, araw ng Martes, naging tensyonado at emosyonal ang ilang miyembro kasunod ng paghalal bagong speaker at floor leader
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament sa plenary session, araw ng Martes.
Ramdam ang tensyon sa plenary.
Naghalal ng bagong speaker, matapos mabakante ang posisyon sa pagpanaw ni MP Atty. Pangalian Balindong.
Kasunod nito, mainit na pinagtalunan ang paghalal ng bagong floor leader matapos ideklara sa isang mosyon na bakante ang posisyon.
Muling nagsalita si MP Atty. Omar Yasser Sema na bigyang daan ang bagong halal na speaker of parliament na mag preside sa sesyon.
Pero giit ni BTA Deputy Floor Leader Atty. Rasol Mitmug Jr.
Nagsalita na rin si MP Atty. Naguib Sinarimbo.
Matapos maghayag ng kanyang opinyon si MP Atty. Nabil Tan, sinuspendi ang sesyon at sa pagbabalik sesyon, nanindigan muli si MP Sol Bayam sa mosyon nito at hindi binawi ang mosyon na ideklarang bakante ang posisyon ng floor leader.
Muling nagsalita si MP Atty. Sha Elijah Dumama-Alba at dito na naging emosyonal ang opisyal na binigyang diin ang salitang respeto.
Kasunod ng pahayag ng mambabatas, naghayag na rin si MP Dumama-Alba na ideklarang bakante rin ang posisyon ng deputy speakers.
Matapos ang palitan ng opinyon, natuloy din ang paghalal ng floor leader at paghalal ng deputy speakers.



Comments