top of page

BTA Speaker Atty. Pangalian Balindong, pumanaw na sa edad na 85

  • Diane Hora
  • Oct 2
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Atty. Pangalian Macaorao Balindong, isang Maranaw lawmaker.


Siya ang panganay na anak ni Sultan Amer Macaorao Balindong, former mayor ng bayan ng Malabang, Lanao del Sur at ni Hajjatu Maimona Marohom Balindong.


Siya ay ipinanganak sa Dapao, Pualas, Lanao del Sur noong January 1, 1940.


Nagtapos ito ng kanyang primary education sa Malabang Central Elementary School taong 1954 at nagtapos ng kanyang secondary education sa Our Lady of Peace High School taong 1958.


Nakamit nito ang kanyang degree sa Political Science sa Manuel L. Quezon University taong 1962 at Bachelor of Laws degree taong 1966 sa parehong unibersidad.


Pumasa ito sa Philippine Bar Examinations taong 1967 kung saan mayroon itong Masteral degree units in Public Administration sa Mindanao State University.


Siya ay miyembro ng Mu Kappa Phi Exclusive Law Fraternity.


Naihalal siya bilang delegado sa Philippine Constitutional Convention na nagrerepresenta sa Lone District ng Lanao del Sur taong 1971.


Naging miyembro ito ng Consultative Legal Panel ng Moro National Liberation Front sa RP-MNLF Peace Talks sa Tripoli, Libya mula February 4 hanggang March 3, 1977.


Naging delegado din ito sa World Assembly of the World Muslim Congress sa Karachi, Pakistan.


Ang namayapang mambabatas ay dati ring miyembro ng Philippine Constitution Association (Philconsa) na naitatag taong 1961 at naging delegado sa 1973 International Youth Conference sa Tripoli, Libya hinggil sa Palestine, Southern Philippines, at Southern Thailand.


Sa kanyang karera sa politika, nagsimula ito bilang miyembro ng Regional Legislative Assembly (RLA) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mula taong 1993 hanggang 1995.


Nahalal ito bilang congressman sa second district ng Lanao del Sur ng 10th Philippine Congress kasunod ni Sultan Mohammad Ali Dimaporo.


Ilan sa kanyang mga iniakdang batas sa RLA ang registration of births, deaths, at marriages sa ARMM; pagkakatag ng Bureau of Agriculture and Fishery; at Lanao Lake Integrated Development Authority; gayundin ang Bureau of Cultural Heritage.


Siya rin ang naghain at may akda ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na kalaunan ay naging Bangsamoro Organic Law (BOL) sa 16th Congress na nagtatag sa kasalukuyang Bangsamoro Government sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na pumalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).


Isa rin sa mahalagang batas na isinulong nito ay ang National Commission on Filipino Act of 2009 (RA 9997) na nagtatag sa National Commission on Muslim Filipinos.


Taong 2018, nang italaga ito bilang miyembro ng Consultative Committee para aralin muli ang 1987 Philippine Constitution o ConCom 2018 ni President Rodrigo R. Duterte.


Siya ay nagsilbi ring miyembro ng Board of Regents ng Cotabato City State Polytechnic College, Cotabato City, at Mindanao State University.


Naging Vice-President for Academic Affairs ng Jamiatul Philippine al Islamia, at Vice-Chairman ng Board of Trustees ng parehong institutions.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page