top of page

BTC, lumahok sa pagsasanay hinggil sa specialized training para sa modern telecommunications regulators na inorganisa ng International Telecommunications Union ng UN

  • Diane Hora
  • Aug 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sumailalim sa specialized training si Engr. Omar Marzoc, Chief ng Enforcement and Operations Division ng Bangsamoro Telecommunications Commission o BTC kaugnay sa modern telecommunications regulators na inorganisa ng International Telecommunications Union o ITU.


Ang ITU ang specialized agency ng United Nations na responsable sa pagkikipag-ugnayan sa global use ng radio spectrum, satellite orbits, at developing international standards para matiyak ang isang seamless, secure, at affordable telecommunications sa buong mundo.


Mula Hunyo a-30 hanggang Hulyo a-4, 2025, nakibahagi si Engr. Marzoc sa ITU Academy Training hinggil sa pagpapatupad ng Monitoring Systems na naayon sa ITU-R Recommendations, kasama ang 15 delegado mula sa iba’t ibang bansa, na ginanap sa Munich, Germany.


Tinalakay sa programa ang mga international best practices sa spectrum monitoring, na nagbigay ng mas malalim na kaalaman sa mga teknikal na pamantayan, operational procedures, at mga bagong teknolohiya na mahalaga sa modernong regulasyon ng spectrum sa kasalukuyang wireless environment.


Para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang ganitong capacity-building ay isang mahalaga at napapanahong inisyatibo upang higit na mapalakas ang kakayahan ng rehiyon sa regulasyon ng telecommunications.


Sa harap ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya, ang pagkakaroon ng kaalaman sa global standards at monitoring systems ay kritikal sa pangangalaga ng radio frequency spectrum — isang mahalagang yaman para sa komunikasyon, kaligtasan, at kaunlaran.


Ayon kay Engr. Marzoc, ang pagsasanay ay tumutugon sa layunin ng BTC na maging isang mas proaktibo, transparent, at world-class na regulator para sa isang secure, reliable, at future-ready na communications landscape para sa mga mamamayang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page