BTWPB ng MOLE BARMM, nagsagawa ng Time and Motion Study Validation sa Mt. Kalatungan Agri-Ventures, Inc sa Lanao del Sur
- Diane Hora
- Sep 4
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang validation noong Agosto a-28 hanggang a-30.
Ang MKAVI, na isang banana plantation sa ilalim ng Unifrutti Tropical Philippines, Inc., ang nagsilbing study site.
Nagsimula ang technical visit sa isang preliminary conference kasama ang mga opisyal ng MOLE, Unifrutti, at Manabilang Services, Inc.
Pinangunahan nina BTWPB Secretary Bailyn Nanding at LDSFO Head Norolain Dimaluna ang validation team na sumuri sa TMS na inihanda ni Engr. Lolita Padon-Budac, isang third-party consultant para sa harvesting at packing house operations.
Nagbigay rin ng presentations ang mga opisyal ng Unifrutti na pinangunahan ni VP Alexander Solano, ukol sa company profile, piece rate rationale, at wage matrix.
Sinundan ito ng field monitoring, kung saan binisita ng team ang harvesting groups at packing house workers mula sa unloading hanggang boxing process.
Layunin ng validation, sa ilalim ng gabay ng BTWPB-MOLE, na matiyak na ang pasahod sa mga manggagawa ay nakabatay sa evidence-based measurements ng labor at productivity—isang hakbang para sa mas makatarungan at patas na kompensasyon para sa mga banana plantation workers sa Bangsamoro.



Comments