top of page

Budget utilization at modification ng Trust Fund, pati na rin ang detalyadong pagsusuri ng Collection Reports, ilan sa tinalakay sa BMPA Board sessions

  • Diane Hora
  • Oct 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni MOTC Minister Termizie Masahud ang BPMA Governing Board Sessions, bilang patunay ng kanyang commitment sa meticulous fiscal oversight o masusing pangangasiwa sa pondo ng ahensya.


Tinalakay sa mga sesyon ang mahahalagang financial updates gaya ng budget utilization at modification ng Trust Fund, pati na rin ang detalyadong pagsusuri ng Collection Reports.


Pinagtibay din ng Board ang standard uniform para sa Port Police, bilang bahagi ng pagsulong ng propesyonalismo sa serbisyo.


Para masiguro ang comprehensive review, ipinagpaliban muna ng Board ang final approval sa Proposed Terminal Fees and Tickets at ang budget allocation para sa Manual of Operations sa ilalim ng Trust Fund.


Ipinagpaliban din ang renewal ng Cargo Handling Operator’s (CHO) contract upang bigyan ng sapat na panahon ang BPMA personnel na magsagawa ng masusing assessment sa kapasidad ng CHO na ipagpatuloy ang operasyon.


Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng phased and prudent decision-making approach ng Board—isang malinaw na senyales ng kanilang dedikasyon sa maingat na pagpapasya at komprehensibong operational strategy.


Dumalo rin sa mga sesyon sina MAFAR Minister Abunawas Maslamama, BPDA Director General, Mohajirin Ali, Atty. Sittie Nadia Karim mula sa MPW, Dir. Ershan Karl Mabang ng MENRE, Dir. Najmah Macapundag-Panolong ng BMARINA, Engr. Nasrodin Masakal ng BPMA at MOTC Deputy Minister Muhammad Ameen Abbas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page