top of page

Buluan District Hospital, pinasok ng baha; operasyon ng pagamutan, apektado; Pharmacy, laboratory, xray, billing at admitting section ng ospital, pinasok din ng baha

  • Diane Hora
  • Sep 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa ibahaging video ng PDRRMO Maguindanao del Sur at ni Doctor Norizah Mangansakan Midtimbang, pinasok ng baha ang Buluan District Hospital kagabi, sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.


Humingi ng paumanhin ang doktor sa lahat ng kanilang pasyente na kasalukuyang nagpapagamot sa ospital.


Agad ipinagpaliban ang nakatakdang Elective surgery at tanging emergency case lamang ang tinatanggap ng ospital.


Inabot na rin kasi aniya ng baha ang labor room ng pagamutan at tanging in active labor lang ang kanila aniyang matanggap na manganganak sa BDH.


Apektado aniya ang kanilang serbisyo dahil pinasok din ng baha ang Pharmacy, Laboratory, xray, billing at admitting section ng ospital.


Pinagsusumikapan na ng pamunuan ng ospital na maisaayos ang serbisyo ngayong araw.


Sinabi ng doktor na hindi pa makatatanggap ng admission, operative case, delivery o ano man serbisyo ngayon umaga.


Mag-a-anunsyo umano ang pamunuan kapag ganap nang naisaayos ang sistema sa ospital.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page