BUMABA PA ANG RESIDENTIAL RATE Mula sa P10.28/kWh nasa P9.88 na ang per Kilowatt-Hour sa residential rate ng Cotabato City
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Para sa March 18 hanggang April 17 billing, ayon sa Cotabato Light and Power Company, bumaba pa ang residential rate ng P0.4009.
mula P10.28/kWh, nasa P9.88/kWh na lamang ito ngayon.
Ayon sa COLIGHT, ang pagbaba ay dulot ng mas mababang market price mula sa Philippine Wholesale Electricity Spot Market o WESM, isang venue kung saan ibinibenta ang enerhiya bilang commodity.
Binigyang-diin ng Cotabato Light na volatile o mabilis magbago ang market prices, kaya maaaring mag-iba-iba ang monthly rates.
Matatandaan na sa billing period ng February 18 hanggang March 17, 2026, bumaba ang rate ng P0.6322—mula P10.91/kWh hanggang P10.28/kWh.



Comments