Buy-bust operation sa Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur, nauwi sa putukan; Suspek, sugatan at P2.77M halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad
- Teddy Borja
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

PHOTO FOR REFERENCE ONLY
Nasamsam ng PNP at PDEA ang 2.77 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur. Sugatan naman ang isang suspek matapos mauwi sa putukan ang operasyon.
Ikinasa ang operasyon, alas 3:30 ng hapon, araw ng Biyernes, September 5 sa Barangay Ampao.
Ayon sa PNP nauwi sa isang armadong engkwentro ang operasyon kung saan sugatan ang suspek.
Agad dinala ang suspek sa pagamutan bago ito dinala sa Bacolod-Kalawi Municipal Police Station.
Nakuha mula sa suspek ang tinatayang 406.9 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cal. 9mm pistol na may sampung bala, anim na fired cartridges mula sa parehong baril, at iba pang non-drug items.
Ang suspek ay haharap sa kaukulang kaso ayon sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments