top of page

Buy-bust operation sa Bongued, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nauwi sa shootout, 2 patay, 1 arestado at 1 nakatakas

  • Teddy Borja
  • Sep 2
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nauwi sa shootout ang ikinasang buy-bust operation ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police sa Barangay Bongued kung saan dalawa ang nasawi, isa ang arestado at isa ang nakatakas.


Kinilala ang mga nasawi sa alyas na “Man” at alyas “Iver”, pawang residente ng nasabing barangay.


Arestado naman ang 18-anyos na si alyas “Dab” at nakatakas ang isang alyas “James”.


Ikinasa ang operasyon alas 4:30 ng hapon, araw ng Lunes, September 1, 2025 sa nasabing barangay sa pamumuno ng hepe na si PCol. Esmael Madin.


Sa report ng awtoridad, ikinasa ang buy-bust laban sa isang alyas “Man”.


Sa kasagsagan ng buy-bust, natunugan umano ng mga suspek na nakikipagtransaksyon sila sa isang pulis kaya agad umano itong tumakbo para humingi ng tulong sa kanyang mga anak.


Agad umanong pinaputukan ng mga suspek ang operating teams.


Umabot umano ang palitan ng putok hanggang sa palayan na tumagal ng mahigit kumulang dalawang oras.


Humingi rin ng tulong ang mga pulis sa militar.


Nakumpiska sa operasyon ang limang piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 240 grams at may SDP value na 1,632,000 pesos.


Narekober din ang isang (1) M16 A1 rifle, isang (1) M14 rifle, dalawang magazine assembly para sa Glock 9mm firearm.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page