top of page

CAFGU patay, matapos hagisan ng granada ang kanilang detachment sa Barangay Nalapaan, Malidegao, SGA-BARMM

  • Teddy Borja
  • Aug 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasawi ang isang CAFGU member matapos hagisan ng granada ang kanilang detachment sa Barangay Nalapaan, Malidegao, SGA-BARMM.


Ang biktima ay 25 anyos na residente ng Kalacacan, Pikit, Cotabato.


Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, alas-6:58 ng umaga, araw ng Sabado nang mangyari ang insidente.


Isang lalaki na nakasakay umano ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa detachment kung saan naroon ang biktima.


Nagtamo ng tama ng shrapnel ang CAFGU member sa kanyang tiyan.


Isinugod pa ang biktima sa pagamutan pero dineklara itong dead on arrival ng attending physician.


Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page