Cal.38 revolver, isinuko ng 45 taon gulang na lalaki sa kapitan ng Matuber, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte na dinala naman ng kapitan sa Police Station
- Teddy Borja
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Dinala ng 45-anyos na lalaking residente ng DBS ang baril sa kapitan ng Matuber na agad namang itinurn over naman ni barangay chairman Datu Zacaria Sinsuat sa pulisya sa bayan alas 4:50 ng hapon, araw ng Sabado, April 5.
Ito ay sa ilalim ng "Sinapang Ipedsambi sa Bigas" Program.
Ayon sa otoridad, ang pagsuko ng baril ay bahagi ng pinaiting na kampanya kontra loose firearms at pagpapanatili ng magandang peace and order sa kanilang Area of Responsibility.
Comments