CANCELLED FLIGHTS Inanunsyo ng PAL at Cebu Pacific, kasunod ng tensyon sa Middle East
- Mar 2
- 1 min read
iMINDSPH

Dahil sa lumalalang tensyon sa ilang lugar sa Middle East, ilang flights ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ang kinansela upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at crew
Ayon sa Philippine Airlines, ilang flight patungong Riyadh, Dubai, at Doha ang kinansela dahil sa mga operational restrictions sa Middle East. Kabilang sa mga apektadong flight ang PR654 Manila–Riyadh at PR658 Manila–Dubai na bumalik sa Maynila, habang ang PR684, PR655, at PR659 ay kinansela. Nakansela rin ang PR685 na naka-schedule kahapon, Marso 1.
Samantala, nagpatupad din ang Cebu Pacific ng pagbabago sa kanilang mga flight schedule. Ang Flight 5J 14 patungong Dubai bumalik sa Manila, at ang return service na 5J 15 ay kinansela. Kinansela rin ang 5J 14/15 na naka-schedule, araw ng Linggo Marso 1, pati ang ilang flight patungong Dubai at Riyadh sa Marso 1 at 2.
Parehong nagbigay ang Philippine Airlines at Cebu Pacific ng mga options sa kanilang mga pasahero, kabilang ang libreng rebooking, conversion sa travel fund, o full refund. Pinayuhan rin nito ang mga pasahero na i-check ang status ng kanilang flight sa opisyal na website, mobile app, o social media bago pumunta sa paliparan.
Ayon sa parehong airlines pinakamahalaga parin sa kanila ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero at crew nito. Patuloy naman nitong mino-monitor ang sitwasyon sa Middle East.



Comments