top of page

Capacity-building, Community-based Initiatives ilan sa mga tinalakay sa pulong sa pagitan ni BTA Speaker Mohammad Yacob at JICA Chief Representative Baba Takashi

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa courtesy visit ng delegasyon ng JICA sa pangunguna ng Chief Representative ng tanggapan Baba Takashi kay BTA Speaker Mohammad Yacob, naghayag ang JICA ng pagpapahalaga sa patuloy na kooperasyon sa Bangsamoro Government at binigyang-diin ang kahalagahan ng isang holistic at coordinated approach sa development assistance.


Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang institutional capacity-building, community-based development, at infrastructure at reconstruction initiatives na layong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga Bangsamoro.


Kinilala ni Speaker Yacob ang tuloy-tuloy na suporta at engagement ng JICA sa rehiyon, at iginiit ang mahalagang papel ng international partnerships sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, at inclusive development.


Ibinahagi rin niya ang development priorities ng Bangsamoro Government, kabilang ang pagpapalakas ng mga lokal na komunidad at institusyon upang matiyak ang sustainable at long-term progress sa rehiyon.


Sa pagtatapos ng pulong, muling pinagtibay ng dalawang panig ang kanilang matibay na partnership at ang commitment na ipagpatuloy ang mga development initiatives na magpapalakas sa governance, susuporta sa mga komunidad, at magsusulong ng sustainable growth sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page