Capacity development, isinagawa ng Maguindanao del Norte Provincial Government para mapaunlad pa ang kakayahan ng mga empleyado ng lalawigan
- Diane Hora
- Oct 15
- 1 min read
iMINDSPH
Ipresinita ng bawat departamento ang kanilang capacity development agenda hinggil sa mga hamon na kanilang kinakaharap at ng kanilang mga empleyado.
Layunin nito na mapaunlad ang kakayahan ng bawat empleyado at matukoy ang mga aspeto na dapat pang tutukan.
Tinutukan mismo ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura ang dalawang araw na presentasyon at paglatag ng solusyon sa mga kinakaharap na hamon.
Kabilang dito ang pagsagawa ng workshop na nakatuon sa Capacity Pillars tulad ng Structure, Competencies, Management Systems, Knowledge and Learning at Enabling Policies at Leadership.



Comments