CAREER GUIDANCE PROGRAM Nilahukan ng 150 mag-aaral ng Nuling Senior High School, bago ang NCAE
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Lumahok ang isang daan at limampung (150) mag-aaral ng Grade 10 mula sa Nuling Senior High School sa Career Guidance Advocacy Program (CGAP) ng Regional Manpower Development Center (RMDC), na isinagawa sa tatlong batch mula Pebrero 25 hanggang 27, 2026 bilang paghahanda para sa National Career Assessment Examination (NCAE).
Sa isinagawang programa, tinalakay ang pagpili ng track sa Senior High School at ang mga oportunidad sa technical-vocational education. Ipinaliwanag din ang layunin ng NCAE at ang papel nito sa pagtukoy ng kakayahan at interes ng mga mag-aaral.
Naging bahagi rin ang talakayan at forum kung saan nakapagtanong ang mga kalahok hinggil sa kanilang mga plano at katanungan tungkol sa kanilang magiging landas matapos ang Junior High School.
Ang CGAP ay bahagi ng mga aktibidad ng RMDC na naglalayong magbigay ng impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa mga opsyon sa edukasyon at karera.



Comments