CASH ASSISTANCE Tinanggap ng benepisyaryo ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan o BSK at BCARES Programng MSSD
- Apr 15
- 1 min read
iMINDSPH

Para sa mga indigent program beneficiaries, isinagawa ng ministry sa ilalim ng programang Bangsamoro Sagip Kabuhayan
Sa ilalim ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan o BSK Program, 16 beneficiaries ang tumanggap ng tig-15,000 pesos na one-time livelihood assistance mula sa MSSD para sa pagsisimula o pagpapalago ng kanilang kabuhayan.
Isinagawa ang payout noong April 13 hanggang 14, 2026 sa Municipal Operating Office ng Datu Paglas katuwang ang tanggapan ni Member of Parliament Raissa Jajurie.
Samantala, sa ilalim ng Bangsamoro Critical Assistance in Response to Emergency Situations o BCARES Program, walong beneficiaries ang nakatanggap ng medical assistance na nagkakahalaga ng 10,000 hanggang 20,000 pesos.
Ginamit ang tulong para sa dialysis at hospital bills para sa operasyon batay sa assessment ng kanilang pangangailangang medikal.
Bahagi ng programa ang patuloy na suporta ng MSSD sa socio-economic recovery ng conflict-affected families, pagpapabuti ng kabuhayan, at pagtugon sa agarang pangangailangang medikal.



Comments