top of page

CDP-ELA orientation, isinagawa ng LGU Sultan Mastura upang pagtibayin ang koordinasyon at pagtutulungan ng ehekutibo, lehislatibo at iba’t ibang tanggapan

  • Diane Hora
  • Sep 4
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang pagtibayin ang koordinasyon at pagtutulungan ng ehekutibo, lehislatibo at iba’t ibang tanggapan sa pagbuo ng mas malinaw, komprehensibo at inklulsibong development agenda, ikinasa ng Sultan Mastura LGU ang orientation hinggil sa Comprehensive Development Plan–Executive Legislative Agenda.


Nagharap ang mga elected officials ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte sa pangunguna ni Mayor Datu Mando Mastura at ang mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng LGU, araw ng Martes, September 2 sa isinagawang orientation hinggil sa Comprehensive Development Plan–Executive Legislative Agenda o CDP-ELA.


Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang koordinasyon at pagtutulungan ng ehekutibo, lehislatibo, at iba’t ibang tanggapan upang makabuo ng mas malinaw, komprehensibo, at inklusibong development agenda para sa ikauunlad ng Sultan Mastura.


Ang CDP-ELA ay nagsisilbing gabay ng pamahalaang lokal sa pagtukoy ng mga prayoridad na programa at proyekto para sa kapakanan ng bawat mamamayan.


Sa pamamagitan ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor at opisyal, masisiguro ang mas organisado at epektibong pagpapatupad ng mga hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago at pag-unlad ng bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page