top of page

CERTIFICATE OF ACCREDITATION Unang inisyu ng RAD-BPEW ngayong taon sa isang foreign manpower recruitment agency

  • Mar 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Epektibo mula Enero 27, 2026 hanggang Enero 26, 2029, ang accreditation ng Mayon International Trading Corporation alinsunod sa Bangsamoro Autonomy Act No. 9 o ang “Recruitment Agency Regulation Act of 2020.” Dahil dito, opisyal na itong pinahihintulutang mag-recruit ng mga aplikante mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Ayon sa MOLE, malinaw sa batas na lahat ng recruitment agencies—operating man sa loob o labas ng BARMM—na kumukuha ng aplikante mula sa rehiyon ay kinakailangang kumuha ng accreditation mula sa Ministry at ito ay nire-renew kada tatlong taon.


Binigyang-diin ng MOLE na patuloy nitong isinusulong ang mga prayoridad na agenda ng Pamahalaang Bangsamoro upang matiyak ang buong proteksyon sa karapatan ng mga manggagawang Bangsamoro. Kabilang sa mandato ng Ministry ang pagpapatupad ng labor laws at iba pang mahahalagang polisiya, lalo na sa regulasyon ng recruitment practices sa rehiyon.


Sa ilalim ng pamumuno ni Minister Muslimin Sema, layunin ng MOLE na itaguyod ang disenteng trabaho at masiguro ang kompetitibo, produktibo, at napapanatiling employment para sa mga Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page