Child-friendly Local Governance Audit 2025 Orientation, Coaching, at Mentoring Session, isinagawa ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte
- Feb 24
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsama-sama sa isinagawang Orientation, Coaching, at Mentoring Session hinggil sa Child-Friendly Local Governance Audit o (CFLGA) 2025 ang mga representante mula sa labindalawang bayan sa Maguindanao del Norte at Cotabato City mula Pebrero 11 hanggang 13.
Inorganisa ito ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte. Kasama din sa orientation, coaching at mentoring session ang iba pang mga opisyal mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO), Bangsamoro Ministry of Basic, Higher and Technical Education, at Philippine National Police.
Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon ng intensive sessions ang mga kalahok na dinisenyo para mapahusay pa ang kanilang kaalaman sa audit tools, standards, indicators, at ang tinatawag na Means of Verification o MOVs.
Pinalakas din sa aktibidad ang local capacities sa data management, validation, at action planning, at i-equip ang mga stakeholder sa mga kinakailangang skills para sa mas epektibong pagpapatupad at pag monitor ng child-friendly governance initiatives.
Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte ang Community and Family Services International (CFSI), UNICEF, at Korea International Cooperation Agency o KOICA.



Comments