CHILDREN’S CODE NG LGU SULTAN KUDARAT inamyendahan upang palakasn ang proteksyon at kapakanan ng mga kabataan sa bayan
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinalakay ng mga miyembre ng Sangguniang Bayan ng Sultan Kudarat ang pag amyenda sa kasalukuyang Children’s Code ng bayan.
Sa pulong ng mga miyembro ng konseho na pinangunahan ni Vice Mayor Norhaina Mastura-Maik, sinimulan ang dikusyon sa proposed ordinance.
Layunin ng binagong Children’s Code na mas maprotektahan, mapaunlad, at maitaguyod ang karapatan ng bawat bata sa lugar, alinsunod sa umiiral na mga batas tulad ng Local Government Code of 1991 at Bangsamoro Autonomy Act No. 13.
Ayon sa panukala, isinusulong ang Sultan Kudarat bilang isang Child-Friendly Municipality, kung saan pantay-pantay ang karapatan ng mga bata anuman ang kasarian, relihiyon, o estado sa buhay.
Nakatuon ang ordinansa sa apat na pangunahing karapatan ng bata.
Una, ang Survival Rights o karapatan sa kaligtasan at buhay, kung saan binibigyang pansin ang kalusugan sa pamamagitan ng bakuna, nutrisyon, at serbisyong medikal.
Ikalawa, ang Development Rights, na sumusuporta sa edukasyon, kultura, at maayos na paglaki ng bata sa tulong ng mga paaralan, day care, at programang pangkabataan.
Ikatlo, ang Protection Rights, na mahigpit na nagbabawal sa anumang uri ng pang-aabuso, child labor, trafficking, at iba pang mapanganib na gawain laban sa mga bata.
At ikaapat, ang Participation Rights, kung saan hinihikayat ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa komunidad at pagbibigay ng kanilang opinyon.
Ang panukala ay isinusulong ni Councilor Aga Mokamad, Chairperson ng Committee on Women, Children and Family.
Inaasahang sa pagpapatibay ng ordinansang ito ay lalo pang mapapalakas ang proteksyon at paghubog sa kinabukasan ng mga kabataan sa Sultan Kudarat.
Samantala, patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng bawat sektor upang maisakatuparan ang isang ligtas at maunlad na kapaligiran para sa mga bata.



Comments