top of page

Chinese national, timbog sa Buug, Zamboanga Sibugay dahil sa paglabag sa immigration laws

  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH


Isang Chinese national ang inaresto ng Philippine National Police matapos mahuling nagtatrabaho sa bansa nang walang wastong visa.


Nagsagawa ng intelligence-driven operation ang magkasanib na puwersa ng Regional Intelligence Operations Unit–Mindanao Intelligence Division, Bureau of Immigration, Buug Municipal Police Station, at ng 106th Infantry Battalion na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 52-anyos na Chinese national.


Ang suspek, na nagtatrabaho bilang manager ng isang pribadong negosyo at naninirahan sa Purok 30, Barangay Poblacion, Buug, ay inaresto sa bisa ng Mission Order No. 2026-009 na inisyu ng Bureau of Immigration noong ika-14 ng Enero 2026.


Ipinabatid sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang lubos na nauunawaan. Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng Regional Intelligence Operations Unit–Mindanao Intelligence Division para sa wastong disposisyong legal.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page