top of page

CHSD, sinuri ang implementasyon ng Adopted Resolution No. 356, na nananawagan sa mga kaukulang ministry at mga lokal na pamahalaan (LGUs) na maglaan ng pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa

  • Diane Hora
  • Sep 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ni-review ng Committee on Human Settlements and Development (CHSD) ng Bangsamoro Parliament ang estado ng implementasyon ng Adopted Resolution No. 356, na nananawagan sa mga kaukulang ministry at mga lokal na pamahalaan (LGUs) na maglaan ng pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa loob ng rehiyon.


Layunin ng resolusyon na bigyang-priyoridad ang housing assistance para sa mga naapektuhan ng bagyo noong 2022, kabilang ang mga nawalan ng tirahan, mga pamilyang nakaranas ng pagkawala ng mahal sa buhay, at mga nasirang ari-arian.


Sa pagdinig, iniulat na may kanya-kanyang settlement projects ang ilang ahensya at opisina ng BARMM, bukod pa sa mga proyekto ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), na pangunahing housing arm ng rehiyon.


Ayon kay Director Salem Demuna ng MHSD, nakatakda silang magmungkahi ng budget allocation para sa mga proyektong pabahay sa Ministry of Finance, Budget, and Management (MFBM).


Plano rin ng komite na makipagpulong sa mga kinatawan ng LGUs, kaukulang ministeryo, at iba pang ahensya upang mas lalo pang mapag-usapan ang implementasyon ng nasabing resolusyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page