COA at LGU Sultan Mastura, nagpulong para sa pagsusuri ng mga transaksyon at operasyon ng lokal na pamahalaan alinsunod sa Specific Audit Instructions o SAIs
- Diane Hora
- Sep 4
- 1 min read
iMINDSPH

Nakipagpulong ang Commission on Audit sa tanggapan ni Mayor Datu Mando Mastura para sa pagsusuri ng mga transaksyon at operasyon ng lokal na pamahalaan alinsunod sa Specific Audit Instructions o SAIs.
Pinangunahan ni Sultan Mastura Mayor Datu Mando Mastura at Antonio Gepte VIII, state auditor at audit team leader, ang pulong, araw ng Miyerkules, September 3.
Kasama sa pulong si Municipal Administrator Datu Rauf Mastura, Former Mayor Datu Mando Mastura, Jr., Former Vice Mayor Andy Amir, at ang mga Department Heads ng Pamahalaang Bayan.
Tinalakay sa pulong ang Entrance Conference Agenda para sa pagsusuri ng mga transaksyon at operasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Sultan Mastura alinsunod sa Specific Audit Instructions (SAIs) sa ilalim ng COA-BARMM.



Comments