top of page

Collective statement of support mula sa 5 gobernador sa BARMM kay ICM Macacua, malinaw na mensahe ng pagkakaisa at paglaban sa maling impormasyon na naglalayong hindi pagkaisahin ang Bangsamoro

  • Diane Hora
  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Malinaw na mensahe ng pagkakaisa at paglaban sa maling impormasyon na naglalayong hindi pagkaisahin ang Bangsamoro ang collective statement of support para kay Interim Chief Minister Abdulraof Macacua na inilabas nina Basilan Governor Mujiv Hataman, Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura, Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Adiong at Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” Sali.


Ito ang laman ng opisyal na pahayag ni MP Atty. Naguib Sinarimbo, sa gitna ng aniya’y mga pagtatangka upang magkakawatak-watak ang Bangsamoro at disinformation.


Ayon sa mambabatas, ang paghayag ng pagkakaisa ng provincial leaders ay isang mahalagang hakbang aniya tungo sa pagsiguro ng estabilidad at patuloy na pag-unlad ng rehiyon.


Dagdag ng opisyal na ang local government units ay indispensable partners ng BARMM sa pagsusulong ng moral governance at inclusive development.


Sa suporta aniya ng mga provincial governor, mas maisusulong nang may higit na pagtuon sa paglilingkod sa mga mamamayan sa rehiyon at pagbuo ng mas malakas, mas mapayapang Bangsamoro

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page