top of page

COMELEC, nilinaw na nananatili ang petsa ng BPE sa October 13, tanging preparasyon nila kaugnay sa halalan ang kanilang sinuspendi kasunod ng TRO na inisyu ng Supreme Court

  • Diane Hora
  • Sep 19
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nanatili ang petsa ng BARMM Parliamentary Elections sa October 13, 2025 ayon kay COMELEC Chairman George Garcia. Pero nilinaw ni Chairman Garcia na suspendido pa rin ang ginagawang paghahanda ng COMELEC kaugnay sa halalan kasunod ng issuance ng TRO ng Supreme Court laban sa implementasyon ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA) 77.


Binigyang diin nito na ang paghahanda lamang ang kanilang sinuspendi alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema.


Sa usapin kung ma-postpone o baguhin ang petsa ng BPE, sinabi ni Chairman Garcia na wala sa kanilang kapangyarihan ang pagpapasya.


Pinasinungalingan nito ang ulat na nagbigay siya ng pahayag na matutuloy ang BARMM Parliamentary Elections kahit may TRO na inisyu ang Supreme sa Court


Sa ngayon, nireresolba pa aniya ang usapin at hiningan sila ng komento ng Kataas-taasang Hukuman hinggil sa mga inihaing petisyon kaugnay sa BAA 77.


Ayon kay Chairman Garcia, wala pa aniyang final resolution ang Supreme Court hinggil sa nasabing batas.


Pinayuhan din nito ang mga political parties at kandidato na magpatuloy lamang sa kanilang pangangampanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page