COMELEC, PNP AT AFP, nagkasa ng Peace Caravan, Unity Walk, and Covenant Signing sa Marawi City para sa 2025 Bangsamoro Parliamentary Election
- Diane Hora
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa ng COMELEC, PNP at AFP ang Peace Caravan, Unity Walk, and Covenant Signing para sa 2025 Bangsamoro Parliamentary Election.
Peace Caravan, Unity Walk, Candidates’ Forum, Interfaith Rallies, at Peace Covenant Signing ang mga aktibidad na ikinasa ng COMELEC, PNP, AFP sa Marawi City.
Dumalo sa aktibidad si PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Jaysen De Guzman.
Binigyang-diin ni PBGEN De Guzman ang kahalagahan ng pagtitipon na ito sa pagsusulong ng pagkakaisa, paggalang sa isa’t isa, at matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng mga kandidato, stakeholders, at ng komunidad.
Aniya, mahalaga ang pagkakaisa upang matiyak ang mapayapa at makatarungang halalan sa buong Bangsamoro.



Comments