top of page

Committee-approved BTA Bill No. 419, ibinaba ang membership requirement para sa regional political parties mula 10,000 members ay gagawin na lang 5,000 at 2.5 percent ng total valid votes cast ang min

  • Diane Hora
  • Jan 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Aprubado na sa Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws ng BTA ang BTA Bill No. 419 kung saan ibinaba ang membership requirement para sa regional political parties mula 10,000 members ay gagawin na lang 5,000.


Dahil dito, ayon sa komite, mas may tsansa na ngayon ang mas maliliit at community-based groups na makapag-organize at makasali sa eleksyon.


Ayon kay Committee Chair Sittie Fahanie Uy-Oyod, committee-level approval pa lamang ito at daraan pa sa full deliberation ng lahat ng mambabatas sa plenary sa susunod na linggong sesyon.


Kasama rin sa mga reporma ang requirement na mag-nominate ang mga partido ng hindi bababa sa 30 percent women nominees, para masigurong may makabuluhan at hindi token lamang na partisipasyon ang kababaihan sa mga posisyon ng pamumuno.


Ibinaba rin sa 2.5 percent ng total valid votes cast ang minimum vote requirement para makakuha ng representasyon ang isang partido. Layunin nito na bigyan ng pagkakataon ang mas maliliit na partido na manalo ng puwesto at mas maipakita sa Parlamento ang iba’t ibang boses ng mga botanteng Bangsamoro.


Itinatakda rin ng panukala ang pagsabay ng eleksyon ng sectoral representatives—maliban sa non-Moro Indigenous Peoples, ulama, at traditional leaders—sa kauna-unahang parliamentary elections, kapalit ng dating assembly-based selection process.


Bukod dito, naglalatag din ang panukala ng mas komprehensibong certification process para sa mga sectoral organizations at sectoral wings ng mga political parties.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page