top of page

COMMITTEE ON FINANCE, BUDGET, AND MANAGEMENT NG BTA PARLIAMENT, INAPRUBAHAN NA ANG P916 MILLION PROPOSED BUDGET PARA SA MENRE – BARMM

  • Diane Hora
  • Nov 13, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Aprubado na rin ng Committee on Finance, Budget, and Management ng BTA Parliament ang 39 million pesos na dagdag na pondo sa 877 million pesos na budget proposal ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) para sa susunod na taon.



Sa kabuuan, 916 million pesos ang approved proposed budget ng tanggapan.



Ang dagdag na pondo ay gagamitin para sa paghahanap ng Palaw o Mountain Rangers para sa the Integrated Bangsamoro Greening Program (IBGP), bilang flagship program na makikipag-ugnayan sa mga former combatants sa reforestation at environmental protection activities.


Susuportahan ng budget na ito ang limang pangunahing programa ng Ministry katulad ng

1. land survey, disposition, and knowledge management

2. environmental regulation compliance, ambient monitoring, and pollution control program

3. natural resources policy enforcement, conservation, and development

4. mineral resources and geosciences development; at ang

5. biodiversity management, research, and protected area development


Binalangkas din ng MENRE ang mga prayoridad nito para sa 2025, na nakatuon sa konserbasyon at proteksyon ng Turtle Islands Wildlife Sanctuary sa Tawi-Tawi, Lake Lanao Watershed Reserve sa Lanao del Sur, Timako Hill sa Cotabato City, Basilan Natural Biotic Area, Bud Dajo ng Sulu, at ang Ligawasan Wildlife Forest Reserve.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page